Bakit nga ba kailangan natin mag suot ng face mask?
Sa panahon ngayon tayo ay may pandemya na tinatawag na
Covid 19. Ito ay isang virus na kumakalat sa ating lugar ito ay nakakaapekto sa
ating respiratory system lalo na sa ating baga maaari din itong mag resulta ng
pneumonia. Maaring maging simtomas nito ay ang pag ubo, pagkakaroon ng
lagnat,kawalan ng panlasa at kapag ikaw ay nahihirapan sa paghinga . Nagsimula ito
sa Wuhan China tawag pa dito noon ay SARS-CoV- hanggang sa tinawag na
ito na Covid 19 ang “CO” sa covid ay nangangahulugang corona. Ang “VI” naman ay
virus, at ang “D”ay disease.
Bakit nga ba natin ito nakukuha?
Maraming paraan kung paano natin ito makukuha kapag ang
taong may virus ay walang suot na mask at ito ay umubo o ito ay bumahing. At
kayo ay maaaring nadapuan ng patak ng mga ito. At maaari kayo ay mag ka virus
kapag hinawakan niyo ang isang bagay na nagkaroon o nadapuan ng virus at ito ay
iyong nahawakan pag katas ay iyong hinawak sa iyong mata o ilong o kahit anong
maaring mapasukan ng virus.
Ang pinaka tanong ay paano natin ito maiiwasan. Maiiwasan natin ito kapag tayo ay natuto mag suot ng face masks. Ang pagsuot ng face mask kung san ka man pumunta ay isang factor para tayo ay makaiwas sa virus o sa taong may virus. May ilang rason kung bakit nakakatulong ang face mask sa atin at sa iba. 1) Ito ay nakakatulong dahil nakukuha natin ang virus sa pamamagitan ng pagubo pagbahing. Halimbawa kapag tayo ay naka face mask at tayo ay bumahing o umubo o may taong infected na umubo o bumahing sa atin at sila ay may face mask mahaharangan ng face mask ang mga laway na pedeng tumalsik sa iba o pwedeng mapunta sa aten. Mababawasan ang porsyento na tayo ay mahawaan ng isang infected. 2) Ang taong pinaka nirerekomendahan ng paggamit ng facemask ay ang mga taong infected ngunit kunwari ay dimo alam na meron ka palang virus pero ikaw ay naka facemask mapipigilan parin nito ang maaring pag kalat mo ng virus. 3) Kahit ikaw ay walang virus kailangan mo parin ito dahil ang facemask ay makakatulong sa kahit ano mang oras at mababawasan din nito ang pangganib na maari tayong magka virus. 4) Kung gagamit ang lahat ng facemask ay maari itong makatulong para mabawasan at mapigilan ang pagkalat ng virus.
Ang paggamit ng facemask ay
isang mabisa sapagkat pati ang mga frontliners ay ginagamit din ito habang sila
ay nagtatrabaho. May mga ilang pruweba rin tayo makikita na makakatulong para
mapatunayan na ang pagsuot ng facemask ay isang mabisa ayon din sa health
affairs ay napapabagal ng paggamit ng face mask ang pagkalat ng virus.
Meron naman tayong ilang uri ng facemask na pwede natin gamitin kagaya ng procedure mask, surgical mask, at N95 mask ang pinaka nirerekomenda dito ay ang surgical mask dahil bukod sa natatakpan ang ilong hanggang baba ito rin ay komportable suotin ngunit kahit anong parin sa tatlo ito parin ay magiging mabisa. Mas maganda itong gamitin kesa tayo ay gumamit ng panyo o kahit anong mabagay na alam mong maglalapit sayo sa pangganib. Mas nakabubuti na na tayo ay sigurado. Kaya nirerekomenda na lahat tayo ay matutuo gumamit ng face mask upang tayo ay magkaron ng ligtas na pamumuhay at para rin sa ating sariling kapakanan. Maari itong makatulong para tayo ay unti unting makabangon at maiwasan din ang patuloy pa na paglaganap nito. Ang pagsuot din ng facemask ay para rin makatulong tayo sa mga frontliners na nagsisikap mag trabaho para pagalingin ang mga tao.
CastaƱeda, Angelie
Mga source
https://www.chicagotribune.com/coronavirus/sns-editorial-cartoons-mask-wearing-us-20200810-x6bqrr7krfh2bgc2xvlby22jdy-photogallery.html
https://www.aarp.org/health/conditions-treatments/info-2020/reasons-for-masks.html
Comments
Post a Comment