MGA BATA NOON AT NGAYON
Ang
mga kabataan noon ay madalas nasa labas ng bahay at naglalaro tulad ng luksong
baka, patentero, moro-moro, at marami pang iba. Hindi tulad ng mga kabataan
ngayon na hindi makuhang lumabas ng bahay at masinagan ng araw dahil sa
pagseselpon/gadgets.
Masasabing ko na mas masaya
ang kabataan noon kaysa ngayon sapagkat ang kabataan noon maghapon nasa labas
at naglalaro, panahon na hindi pa uso ang gadgets. Ang kabataan noon ay napaka
saya tipong naliligo sa ulan, yung mag paaalam ka sa nanay mo tapos kapag hindi
ka pinayagan ay magmamakaawa kapa para lang payagan ka. Yung tatapat kayo ng
mga kaibigan mo sa may alulod para malakas yung tubig na hindi ninyo alam na
may tae tae pa ng pusa. Tapos yung gigising ka ng maaga para maabutan at mapanuod
mo yung mga cartoons sa tv 5 tapos kapag commercial naman ay maglalaro kayo ng
mga kaibigan mo, mag uunahan kau kung ano yung pangalan ng commercial na
lalabas. Tapos pagdating naman sa hapon ay maglalaro na kayo ng moro-moro,yung tatanggalin mo pa yung tsinelas
mo at ilalagay mo sa iyong siko para mas mabilis ka tumakbo. Tapos kapag naglalaro
naman ng tagutaguan ay nagpapalit pa kayo ng damit ng kaibigan mo para malito
yung taya. Maraming mga laro na usong uso nuon na hindi na ganun na nalalaro ng
mga kabataan ngayon.
Maraming masasayang bagay noon na madalang ng gawin ng mga kabataan
ngayon dahil sa mga gadgets, nang nauso ang mga gadgets ay nawala na o
nabawasan na ang mga bata na nasa lansangan na naglalaro, masyadong natutuon sa
gadgets ang oras ng mga kabataan ngayon. Nakakalungkot lang dahil ibang iba ang
mga kabataan ngayon kesa sa mga kabataan noon. Mga kabataan lang noon na ang
paglalaro lamang sa mga kaibigan ay abot tainga na ang tuwa subalit ang mga
kabataan ngayon mayroon ng internet,gadgets ay hindi parin sapat sa kanila.
Napaka laki ng pagbabago ng mga kabataan noon at ngayon. Ang mga kabataan noon
walang reklamo basta lamang ay makapaglaro sa mga kaibgan sa oras ng hapon, na
susunod sa utos ng magulang at matutulog ng tanghali upang payagan maglaro ng
hapon. Hindi tulad ng mga kabataan ngayon na hirap mautusan ng magulang na
nagagawa pang magreklamo kapag bumabagal ang internet at nagagawang pang magdabog
kapag natatalo sa mga laro.
Faustino, Dominic Andrei
https://r.search.yahoo.com/_ylt=Awr9DWuVHhZgkUkAnySjzbkF;_ylu=c2VjA2ZwLWF0dHJpYgRzbGsDcnVybA--/RV=2/RE=1612091157/RO=11/RU=http%3a%2f%2fwww.eaglenews.ph%2flegitimate-batang-90s%2f/RK=2/RS=HyQfd_6r5SSW6BVhEFkrDNH03JA-
https://r.search.yahoo.com/_ylt=Awr9JnK1HhZgtkIAyhqjzbkF;_ylu=c2VjA2ZwLWF0dHJpYgRzbGsDcnVybA--/RV=2/RE=1612091189/RO=11/RU=https%3a%2f%2fdepositphotos.com%2f140351434%2fstock-photo-children-using-electronic-gadgets.html/RK=2/RS=oXJMHN3MarxQOuXoshDGnzDg5VY-
Comments
Post a Comment