NAITUTULONG NG ONLINE SHOPPING SA MGA PILIPINO SA KASAGSAGAN NG PANDEMYA
Noong Marso naitala nga ang
nakahahawang sakit na COVID-19 sa Pilipinas, ginulantang nito maging ang buong
mundo sa pagdami at pagkalat ng kaso ng mga nagpositibo. Sa tuluyang pagdami ng
kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 nag anunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte at
ang Kagawaran ng Kalusugan na ipatupad ang Enhanced Community Qurantine o
Lockdown sa buong Pilipinas upang maiwasan at malimitahan ang pagdami ng
kaso sa naturang sakit. Nang ipatupad ang Lockdown, malaki ang naging
epekto nito sa mga mamimili dahil limitado lang ang mga establisyementong
nakabukas at isa lang sa bawat miyembro ng pamilya ang may Quarantine Pass
at maaring lumabas at ito’y pinapayagan lamang kung talagang kailangan.
Ang nakasanayan nga
nating pamimili noong hindi pa lumalaganap ang Covid-19 ay ang pagpunta
mismo sa mga establisyemento at palengke, ngunit ang online shopping ay
isa sa mga napakagandang imbensyon na nakakatulong sa mga tao na bumili ng mga
bagay sa sarili nilang mga bahay. Sa madaling salita, hindi na kailangan pang
pumunta sa mga establisyimento ng mga produkto, maghanap kung saan saan, at
hindi na rin kailangan tumawad upang makakuha ng mababang presyo, at higit sa
lahat ay ang makipagsiksikan at pumila sa napakahahabang linya sa tapat ng
bayaran, lalo na ngayong kasagsagan ng
pandemya, malaking tulong ang online shopping dahil mahigpit ipinagbabawal nga
ng ating gobyerno ang pagpunta sa matataong lugar tulad ng mga mall, ngunit sa
pamamgitan ng online shopping mababawasan ang takot ng mga mamimili na
baka mahawa sila sa virus, at mas bababa ang mga posibleng kaso ng positibo sa Covid-19. Samakatuwid, mas pinipili na ng mga Pilipino ang pagbili ng mga produkto gamit ang
Online shopping dahil sa mas madali, mas abot-kaya ang presyo at mas sigurado
sila sa kalitasan ng kanilang pinamili, sa ganitong sitwasyon madaling ring
makakapamili ng mga gamit ang mga taong wala nang oras makapamili para sa
kanilang sarili dahil sa kanilang hektik na iskedyul.
Ayon sa datos ng Philippines - ECommerce -
International Trade Administration noong July 2020 pumalo na sa 76 Million ang
mga online shoppers sa Pilipinas at posible pang tumaas ang bilang ng mga ito. Itinuturing
din ang bansang Pilipinas bilang fastest growing app market in Southeast Asia
Karamihan sa mga mamimili na mga Pilipino ay nasiyahan sa online
shopping, kung gayon na lamang ay inilalarawan itong madali (73.3 porsyento),
maginhawa (71.9 porsyento), o masaya (64.4 porsyento), at nagpapahayag ng higit
na posibilidad na bumili sa susunod na anim na buwan (79.2 porsyento). Datos
noong Hulyo 26,2015.
Sa
isang pag-aaral na ginawa ng PayPal na may pamagat na “PayPal study reveals
more Filipinos are now shopping online” (2018) sinasabing inaasahan na mas dadami
pa ang bilang ng mga online shopper sa Pilipinas. Ang mga nakalap na datos ay
mula sa 34,000 na tao sa 31 bansa kasama na ang Pilipinas, 1,006 ang mga 18 ang
edad pataas.
Noong
taong 2017 sinasabi na PhP 92.5 billion ang halaga ng mga pinamili ng mga
Pilipino online. At inaasahan na tataas ito sa PhP 122 billion ngayong taong
2018. At magiging 185 billion pa sa 2020 (PayPal 2018).
Sinasabi din na pangatlo ang bansang
Pilipinas sa Asia Pacific na namimili online ng mga produkto sa iba’t ibang
bansa. Inaasahan na mula sa 38.4 billion sa taong 2017 ay magiging 55.7 billion
ang e-commerce sa bansa sa taong 2018 (PayPal 2018).
Frequency of online purchases among consumers during
COVID-19 pandemic in the Philippines as of May 2020
Average ng pamimili online bawat buwan mula noong lumaganap
ang COVID-19, ito ay naka ayon sa bawat kategorya ng produkto.
NARITO ANG ILAN SA MGA KILALANG APPS NA GINAGAMIT SA
ONLINE SHOPPING DITO SA PILIPINAS
Makikita sa mga online shop ang iba’t ibang
items tulad ng damit, gamit pang kusina, mga sapatos, at mga kilalang brands
dito sa Pilipinas, halos lahat ng kailangan at gusto ng tao ay maaring bilhin
dito, sobrang dali lang ng proseso dahil naka kategorya ang bawat uri ng
produkto isearch lang ang partikular na gamit na gustong bilhin at iadd to
cart lang ito at checkout, ang mga mamimili ay malayang pumili ng
kanilang Mode of Payment kung gusto ba nilang Cash on Delivery kung
saan ang mamimili ay magbabayad pa lamang kapag natanggap na nito ang kanyang
order, maari ding mauna ang bayad bago matanggap ang order o mas kilala sa
tawag na Payment First. Malaya din ang mga mamimili na pumili ng
kanilang Courier ang mga Delivery Rider ng kompanya ang mismong hahanap
ng eksaktong lokasyon ng bahay ng isang mamimili. Naka depende sa lokasyon ng
mamimili kung ilang araw ang hihintayin upang matanggap ang item sa mismong
bahay. May mga stratehiya ang mga online shop halimbawa nito ay ang pagbabagsak
presyo ng mga bilihin o mas kilala sa tawag na Sale, o dikaya ay ang
pagbibigay ng mga Vouchers, halimbawa nito ay ang Freeshipping, Coins
cashback na mga Vouchers sa pamamagitan nito mas mabibili sa mababang
presyo ang item, kung gayon na lamang ang pagkahumaling ng maraming Pilipino sa
online shopping dahil bukod sa nakakapamili sa mababang halaga, nakapagbibigay
aliw rin ito.
MGA HALIMBAWA NG DELIVERY COURIER
Isang patunay na transaksyon ni
Kerren Nicole Ocampo na umorder sa mga Online Shop sa kasagsagan ng pandemya at
naging matagumpay at nasiyahan sa produktong nabili.
Feedback ng mga mamimili na umorder
sa aming Clothing Shop gamit ang Online Shopping App sa kasagsagan ng Pandemya.
Paalala: Bago tumanggap ng order
siguraduhing nakasuot lagi ang facemask, idisinfect ang mismong parcel at
pagkatapos ay mahugas ng kamay upang maiwasan ang banta ng COVID-19 sa ating
kalusugan.
Bukod
sa mga Online Shop, ang isang mamimili ay maari ring mag online shopping sa pamamagitan ng Live Selling, iba na
talaga ang paraan ng pamimili ngayon lalo na’t nasa kasagsagan tayo ng
pandemya. Ito ay ang paraan ng pagtitinda sa mismong Live Video upang
maiapakita ng maayos ang prat maipaliwang ng mabuti, karaniwang makikita
ang mga gumagawa nito sa Facebook mas
nakakaaliw ito dahil live mong nakakausap ang seller, para bang ikaw ay may ka
video-call lamang, ang mga mamimili ay mag kokomento ng salitang "Mine"
o ang Code na sasabihin ng live
seller sa mismong live selling kung nagustuhan ang produkto ibinebenta, at pag
sinabi ng seller ang salitang "Yours" indikasyon iyon na nakabili ka ng produkto sa
live selling at maari ng magsend ang
buyer ng kanyang mga deatalye, adress, pangalan, contact number upang maipadala
ang produkto mismo sa bahay ng buyer sa
pamamagitan ng mga Delivery Riders o di kaya ang mga mismong Live Seller.
Matagumpay na transaksyon ng isang
mamimili sa pamamagitan ng Live Selling
Isa
pang halimbawa ng paraan ng pagbebenta online ay ang pagpost ng mga Online
Seller ng litrato ng kani-kanilang mga produkto sa Facebook, Instagram at iba
pa, ang mga mamimili ay magkokomento ng salitang “mine” sa mismong post ng
seller kung ang item ay kanilang nagustuhan, at pag nag reply ako seller ng
salitang “yours” indikasyon ito na ang isang mamimili ang unang naka order sa
produkto at maari ng magsend ng detalye, adress, pangalan upang maipadala sa
mismong lokasyon ng bahay ng mamimili. Kadalasan ang mismong mga live seller
ang nagdedeliver sa mga umorder o dikaya ang kanilang mga Delivery Riders,
kung malayo naman ang lokasyon ng
mamimili at ng seller maari ipadala ang mga produkto sa pamamagitan ng mga Delivery
Courier na mismong maghahatid ng produkto sa lokasyon ng mamimili.
Isang matagumpay na transaksyon ng
isang mamimili at ang Feedback nito sa Instagram account ng aming Clothing Shop.
Ocampo, Kerren Nicole
Comments
Post a Comment