Ang panandaliang pagkakayod

 

  



   Sa panahon ngayon maraming mga taong ang mga nahihirapan sa buhay, Hindi makakain, Hindi alam kung saan kukuha ng pangkain sa pamilya. Alam natin na marami ang nahihirapan sa ating bansa lalo na at hindi nababawasan ang mga kaso dito sa Pilipinas. Lalo pa tayong bumababa sa mga ginagawa ng mga Gobyerno saatin nangongorap sila, At matindi pa ay nananakit sila ng kapwa pilipino. Hindi na mawawala dito ang pag patay ng isang Pulis ng mag ina, ang sakit sa pakiramdam na mga kababayan natin at bayani ang mismong gumagawa ng ikapapahamak nating lahat. Nagkaroon man ng mga trabaho ang mga ibang tao pero nahihirapan parin sila dahil umiiwas sila sa sakit hindi nila alam kung papaano gagalaw sa kanilang kapaligiran. Mayroon din na ginawang mga batas ng mga Gobyerno upang hindi mahirapan ang ating mga frontliners at iba pang essential workers, maari silang magpaalam kapag sila ay may nararamdamang masama sa kanilang kayawan, kapag naman sila ay nag ka covid ay sagot sila ng mga kanikanilang mga pinagtratrabahuhan. Ngunit mayroong paring mga trabaho na hindi nila sagot ang mga kanila mga essential Workers dahil hindi nila ito kayang panagutan. Kaya sa panahon ngayon ay lagi tayong mag iingat sa ating kapaligiran dahil maraming pamilya ang mahihirapan kapag tayo ay nanghawa pa. Tumulong din tayo sa ating mga magulang na nag tatrabaho upang tayo ay mapakain dahil binubuwis nila ang kanilang buhay para saatin hindi para lng mag karoon ng pera, dahil ito ay para rin saatin. Naranasan ko ring magkaroon ng covid ang aking nanay at tatay. Nagkaroon sila ng Covid dahil sa trabaho nila at mabuti naman at hindi sila pinabayaan ng gobyerno, Pero mahirap sa amin na nagkaroon sila kahit na sagot sila ng gobyerno dahil mahirap na silang mawala sa buhay namin kaya laking pasalamat ko dahil nakayanan nila ang sakit nagpatuloy parin sila ngayon kahit na nag karon sila dati. Kaya lagi nating bigyang respeto ang mga Workers dahil ginagawa nila ito para saatin at para sa bansa. Mahihirapan tayo pero hindi tayo susuko laban lang lagi. Malalagpasan natin ito.  



Lizardo, Don List Khalel

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba kailangan natin mag suot ng face mask?

NAITUTULONG NG ONLINE SHOPPING SA MGA PILIPINO SA KASAGSAGAN NG PANDEMYA

Bakit Kailangang Dagdagan ang Oras ng Almusal ng mga Estudyante sa Paaralan