Bakit Kailangang Dagdagan ang Oras ng Almusal ng mga Estudyante sa Paaralan

 

Magandang  umaga , mga kapwa kamag-aral. Naririto ako sa inyong  harap sa ngalan ng  Konseho Ng Mag-aaral upang  ipaalam at hikayatin kayo na pirmahan ang  isang petisyon. Narinig namin ang  inyong mga saloobin patungkol sa kakulangan ng  oras sa pagkain ng almusal o break time sa umaga. Upang  mas  maintindihan ay narito ang  isang sitwasyon na naranasan mismo  ng  bawat-isa sa atin.

Oras na upang  kumain ng almusal dahil natapos  na ang unang  klase mo sa umaga. Nagpunta ka sa inyong kusina upang  magluto ng inyong kakainin. Matapos  mong  makapag handa ng almusal ay nakita mong tatlong  minuto na lamang  ang  natitira sa oras ay  magsisimula na ang  inyong susunod na klase. Dahil doon ay napagdesisyunan mong  bilisan na lamang  ang  pagkain  upang  makapasok sa klase sa tamang  oras.

Naranasan mo na ito, tama? Ang  pagmamadali sa pagkain upang  umabot sa oras  ng klase. Mahirap, hindi ba? Sa limang araw na pag pasok sa eskwelahan kada  linggo ay mayroong  nakatakdang  oras  ng pagkain ng mga estudyante. Gigising nang maaga at gagawin ang  karaniwang gawain. Minsan ay papasok nang  walang laman ang  tyan. Ilan sa dahilan ay walang sapat na oras  upang  mag  prepara ng almusal at ang  iba naman ay abala ang  mga magulang para ipagluto at ipaghanda ng  kakainin sa umaga. Ang kinse hanggang  bente minuto na oras  ng pahinga o pagkain ng almusal ay hindi sapat. Kaya naman minsan ay kape na lamang ang iniinom upang  maibsan ang gutom na hindi maganda sa ating katawan. Dahil sa nararamdamang gutom ay hindi makapag pokus ang estudyante sa leksyon. Dahil dito, nararapat lamang  na dagdagan ang oras ng pagkain ng almusal. Dapat itong baguhin upang  masolusyunan ang  mga problemang  nailahad. Kaya naman hinihikayat naming pirmahan  ninyo itong petisyon na naglalayong  dagdagan ang  oras  ng pahinga sa umaga. Maraming salamat.



Bamba, Alexcis M.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba kailangan natin mag suot ng face mask?

NAITUTULONG NG ONLINE SHOPPING SA MGA PILIPINO SA KASAGSAGAN NG PANDEMYA