COVID VACCINE PARA NGABA SA IKABUBUTI NG MAMAMAYAN?



Pagkatapos ng maraming mga buwan at lumagpas na ng 500,000 cases sa bansa ay nakakuha na ang Gobyerno ng Covid 19 Vaccine at maari na itong ipamahagi sa ating mamayan.Ngunit nakakasigurado ba ang mga mamayan ng Bansa na ligtas at epektibo ba ang gagamitin na Vaccine sa Bansa?at ang tanong ng iba dapat ba na tayo ay kumuha o magpaturok ng Vaccine kung tumagal tayo ng ilan buwan at umabot ng isang taon na hindi naman nagkakasakit o dinadapuan ng covid ang pinaka malaking tanong ng ilan ikabubuti ng mamayan ang pagpapaturok ng vaccine o pera pera nalang ang usapan ? umabot tayo ng isang taon ng hindi nagkakasakit dapat ngabang magpaturok ng vaccine upang makaiwas o dapat ang hanapin ng mundo ay ang lunas sa covid 19 Dahil sa naganap nuong termino ni dating Pangulo Benigno Aquino na pagpapaturok sa ilan ng dengvaxia nangilag atnagdadalawang isip ang mamayan kung dapat ba silang magpaturok.


                                                                              (Photo by Alexander Koerner/Getty Images)                                                         

Ayon sa mga Experto ang vaccine daw ay may-roong mga side effects ngunit ito ay pansamantala  lamang at dapat walang ikabahala dahil ito subok at garantisado na ng experto sa ibang bansamarami nading mga tao ang nakapagpaturok ng  sinasabing vaccine. Ayon sa @OurWorldInData 2.28 milyon katao na ang nakakapagpaturok ng vaccine kahit ang vaccine ay mayroong side effects hindi naman daw dapat natin ito ikabahala dahil.

 ito ay mawawala din kaagad at hindi magdudulot ng pangmatagalang epekto sa katawan ng tao. Ang sabi naman ng Gobyerno ng Pilipinas sila raw ay magbabahagi ng libreng mga vaccine sa bansa          .ngunit ang mga top priority muna ang mga uunahin nabibilang na rito ang mga front liners ng bansang Pilipinas ito ang kanilang pinahayag nung kumakalat  ang balita na pera pera lang daw ang vaccine na gagamitin sa bansa. Sinusubukan din ng Gobyerno  na makuha ang tiwala ng mamamayan sa pagpapa-turok ng vaccine sa lalong mabilis na panahon.  Habang hinihikayat nila na ang mga tao na maykakayanan namang bumili ng vaccine ay bumili upang hindi maubos ang budget ng bansa sa pagpapaturok ng libo-libong mga mamamayanan sa Pilipinas. Ngunit ang mga vaccine daw na dapat na gamitin ng mga taong Maykakayahang bumili ay yung  rehistrado na ng Gobyerno. Patuloy tuloy pa ang pagkawala ng naturang virus ay mayroon nanamang bagong variant na natala sa bansa na maslubhang nakakahawa kumpara sa dating variant ng virus               






                                                                         (Photo by Rappler.com/philippinesreporter.com)
 Bagong Variant na kumakalat sa mundo ang Covid variant B117 . Dahil sa natalang Bagong variant lalong minamadali ng ating Gobyerno ang pagpapaturok ng vaccine sa ating mamamayan ngunit mayroon parin mga tao na ayaw magpabakuna. Hindi lang basta virus ang ating kinakalaban dahil sa mga oras na tayo ay tumatangi ay mayroon tao ang nagkakaroon ng covid at patuloy-tuloy ang paglaganap ng virus sa bansa oras din ang ating kalaban kaya’t huwagkayong mabahala sa mga ibang epekto ng bakuna lalo kayong mabahala kung hindi mapapatigil ang paglaganap ng virus. Tayo lang ang makakapigil sa paglaganap tayo ay magtiwala sa Gobyerno. Sa dinamidami ng pagsubok kakayanin natin kung tayo ay maniniwala. Buong bansa ay makakaahon sa crisis na ito kung tayo aymagtutulong-tulong.



Robles, Jan Wesley 

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba kailangan natin mag suot ng face mask?

NAITUTULONG NG ONLINE SHOPPING SA MGA PILIPINO SA KASAGSAGAN NG PANDEMYA

Bakit Kailangang Dagdagan ang Oras ng Almusal ng mga Estudyante sa Paaralan