Frances’ COVID Updates

 

Ayon sa mga opisyal ng Barangay Frances ay may dalawa na namatay dahil sa COVID-19 at may dalawa pa na hinihinalang namatay din dahil sa parehong rason at may ilang minomonitor dahil di-umano ay nagka-contact sa mga namatay bago mamatay ang mga ito. Sa ngayon ay may umiikot na opisyal ng barangay sakay ng barangay mobile upang laging magpaalala na laging magsuot ng Face mask at Face Shield tuwing lalabas o iwasan na mismo ang paglabas kung wala ring katuturan ang gagawin at nagbigay din sila ng paunang sabi na maaaring magkaroon ng mandatory lockdown upang hindi na kumalat sa labas ng barangay ang naturang sakit at para na rin sa mga mamamayan ng Frances na makaiwas sa pagkahawa ng COVID-19. Parating sumunod palagi sa mga Health Protocols na binibigay ng mga opisyal ng barangay at ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng virus at mapuksa na mismo ang kumakalat na virus nang makabalik na tayo sa normal nating mga buhay na masayang nakakalabas dahil walang pangamba ng COVID. Maging masunurin.


Fajarda,Jun Mark




Comments

Popular posts from this blog

NAITUTULONG NG ONLINE SHOPPING SA MGA PILIPINO SA KASAGSAGAN NG PANDEMYA

Bakit nga ba kailangan natin mag suot ng face mask?

MGA BATA NOON AT NGAYON