Kapag May Itiinanim, May Aanihin

 

Kapaligirang puno ng mga makukulay na berdeng dahon, puno ng mga masusustansyang tanim. Hindi na kailangang lumabas upang bilihin ang mga ito, halina't magtanim sa ating bakuran ng sa gayon tayo ay may aanihin.

Malaking tulong din ito sa ating pinansyal sapagkat ito ay ating pwedeng gawing negosyo o kabuhayan. Bukod sa nagbibigay na ito ng sustansya sa ating katawan, nagbibigay din ito ng ehersisyo sa atin habang isinasagawa ang pagtatanim. Isama ang inyong pamilya sa gawaing ito tiyak na makakapag bigay saya ito sainyo. Mas ligtas sa panahon ngayon ang manatili sa ating tahanan dahil hindi pa tapos ang ating laban sa pandemya, marapat na ating pangalagaan ang ating kalusugan sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansyang pagkain.

Tayo'y magsimula na muli sa ating bagong mundo, gawin ang tama at ihinto na ang mga maling gawain. Tayo'y sama samang magtanim ng mga gulay sa ating mga bakuran at tiyak na sa huli tayo ay ligtas kasama ang ating pamilya




Marquez, Ruel Angelo

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba kailangan natin mag suot ng face mask?

NAITUTULONG NG ONLINE SHOPPING SA MGA PILIPINO SA KASAGSAGAN NG PANDEMYA

Bakit Kailangang Dagdagan ang Oras ng Almusal ng mga Estudyante sa Paaralan