Kasal O Sakal: Pagsasabatas at Pagpapaigting ng legal na diborsyo sa Pilipinas

 


Kuhang Larawan mula sa RMN Networks


“Ang dalawang pinagtali ng matrimonya ng kasal ay hindi nararapat paghiwalayin ng sinuman.”

Ito ang kasabihan at paniniwalang madalas na isaalang-alang at iniisip ng marami kaya ang bawat isa ay natatali at pinagsisikapang mapa-unlad ang pagsasama ngunit sa ika 17 ng Setyembre muli nanamang isinulong ang dissolution o divorce upang bigyang wakas ang paghihirap o pagtitiis umano ng marami sa pagkakatali sa matrimonya ng kasal.

Sa halip na hikayatin ng batas ang mag-asawa na pagsikapang mabuo ang nasisirang pamilya ay tila yata inuudyukan pa nito na tapusin agad ang kaunting alitan o di pagkakaunawaan.

Isa pa mayroon namang legal separation ayon kay Tagbiliran Bishop Leonardo Medroso kaya hindi na kailangan pang magkaroon ng divorce na maaaring gamiting panakot ng bawat nagpakasal sa isa’t isa sakaling sila’y malagay sa sigalot.



                                            Editoryal Kartoon mula sa JhaneKimberly’s


Ayon kay Fr. Pascual ang pagpapakasal ay kahalintulad ng isang pagpapari na isang vocation o “Calling from God” na dapat bigyan halaga ng mag asawa at huwag ipagwalang bahala dahil ito ay isang sagrado na sinumpaan ng mag-partner sa harap ng Diyos. Isipin na lamang ng mag-asawa na ang dila at ngipin nga na laging magkasama kung minsan ay  nagkakagatan pa yun pa kayang nagsama lamang dahil nais magkapamilya.

Maaari ring isipin ng nagpakasal na kaya sila ay nais nilang bumuo ng sariling pamilya ano ito’t kanila ring sisirain.Sa barangay  nga ang nag-aaway ay pinagbabati, sa guidance any pinagkakasundo o bakit sa senado nais sirain ang pagsasamahan.Kaya sa huli bago lumagay sa estado ng pagpapamilya isipin na muna kung ang papasukin ay  kasal o sakal upang di mauwi sa, Maghiwalay na tayo!



Mejia, Noriyuki mikee

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba kailangan natin mag suot ng face mask?

NAITUTULONG NG ONLINE SHOPPING SA MGA PILIPINO SA KASAGSAGAN NG PANDEMYA

Bakit Kailangang Dagdagan ang Oras ng Almusal ng mga Estudyante sa Paaralan