NO TO DEATH PENALTY

Ang Death Penalty sa Pilipinas. Sa sitwasyong ngayon sa ating bansa nakakatulong nga pa ito? Ito rin ba ay wasto kung sakaling ipapatupad muli? Ito ba ay nakakatulong sa pagbawas ng kriminalidad sa ating bansa?


Maraming presidente sa ating bansa ang nagpapatupad at umalma ukol dito, At ito ay muling nabuhay nung na halal ang bagong president na si Pres. Rodrigo Roa Duterte, maraming naging usap usapan ukol dito ngunit umalma ang ibang kasapi ng gobyerno at ito ay hindi naaprubahan.

Para sakin nararapat lamang na hindi magkaroon ng Death Penalty sa ating bansa dahil tayo ay mga kristiano at ito y kasalanan. Dahil ang parusang kamatayan ay isa lamang isyung humahati sa paniniwala ng tao. Mabigat ang parusang kamatayan kaya dapat ito ay pinag uusapan ng mabuti at dumadaan sa maraming pagpupulong, sapagkat sakin ito ay mali dahil kailanman wala tayong karapatang kumitil o tumapos ng buhay ng iba na maaari naman nilang pagbayaran sa loob ng selda.

Nararapat lamang na bigyan natin sila ng pagkakataong magbago at isaayos ang kanilang buhay, sapagkat maraming apektado na pamilya. Dahil ang Diyos ang nagbigay sa atin ng buhay sya rin lamang ang dapat bumawi nito at hindi tayong mga tao lamang.





Angelo, Hanz Daryl M.


Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba kailangan natin mag suot ng face mask?

NAITUTULONG NG ONLINE SHOPPING SA MGA PILIPINO SA KASAGSAGAN NG PANDEMYA

Bakit Kailangang Dagdagan ang Oras ng Almusal ng mga Estudyante sa Paaralan