Pag-aaral pamamagitan ng online class:Mga Estudyanteng nahihirapan sa online class

 

         

         Nang dahil sa Corona Virus o mas kilala bilang COVID ay nagkalat sa buong Pilipinas, at sa kadahilanan ng virus ay ni lockdown ang mga lugar sa Pilipinas na aapektuhan ng Covid, at na quarantine ang mga mamamayan. At dito naisipan ng awtoridad o ng DepEd ang pagsagawa ng ONLINE CLASS. Ang Online Class ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit ng internet, at ang mga estudyante ay di kinakailangan lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at kamag-aral.

         Ang maganda sa online class ay hindi na kailangan lumabas pa ng mga mag-aaral parapumunta sa kanikanilang mga paaralan, samakatawid, mas sigurado na ang kaligtasan ng mga bata o estudyante para maka-iwas sa covid, at maiwasan ang pakikisalamuha sa iba pang mga tao. Subalit may mga estudyante nahihirapan sa online class sa kadahilanan na nakakararami ang mabagal ang internet, o walang kakayahan makabili ng magandang teknolohiya. Nahihirapan din ang ibang mga estudyante sa pag-intindi ng mga aralin sa kadahilanan na sabog ang mic, o hindi malinaw ang sinasabi  ng mga guro, at minsan may sira ang speaker ng teknolohiya na ginagamit ng estudyante. May mga estudyante naiistress din sa mga gawain ng mga guro lalo na pag sabay sabay nagbigay lahat. Sa ganitong sitwasyon makukulangan sa edukasyon ang ibang mga estudyanteng mahihina sa teknolohiya, at mahihirapan makipagsabayan, o makilahok sa klase.

        Dahil sa pagpapatupad ng Online Class ay mas napadali ang pagtuturo ng mga guro sa mga estudyante, at pakikipagtransaksyon o usap ng mga estudyante at guro ng hindi lumalabas ng bahay at pakikipagsalamuha sa iba pang mga tao. Pero sa pagbababad ng ilang oras sa teknolohiya araw-araw ay may posibilidad na lumabo ang paningin, kung kaya mainam na bawasan ang paggamit ng teknolohiya upang maiwasan ang paglabo ng paningin.



Caparros, Neil Robin M.                                                                  

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba kailangan natin mag suot ng face mask?

NAITUTULONG NG ONLINE SHOPPING SA MGA PILIPINO SA KASAGSAGAN NG PANDEMYA

Bakit Kailangang Dagdagan ang Oras ng Almusal ng mga Estudyante sa Paaralan