Posts

Showing posts from February, 2021

The New Normal Education

     Ang pagkakaroon ng tinatawag na "The new normal education", dahil sa pandemic na ito isang malaking balakid ito sa lahat ng tao sa trabaho sa pamilya lalo na sa pag aaral ito ay isang malaking problema ngunit dahil sa teknolohiya patuloy pa din ang pagka karoon ng klase at pag aaral ng mga mag aaral sa pamamagitan ng Google classroom or Google meet sa una ito ay bago at tila baga napaka hirap biglang estudyante at bilang guro dahil magiiba ang paraan ng pag tuturo at pagkatuto ng bawat isa. ngunit sa kinatagalan naging normal na ito at nakita naman na pwede ito na maging pansamantalang paraan ng pag aaral ng mga mag aaral upang huwag masaya g ang panahon or oras sa kanilang edukasyon. May mga negatibong dulot ito ngunit sa kabila into mas pinapainting ng pamahalaan na dapat ituloy pa din ng edukasyon kahit man lang sa pamamagitan nito dahil ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa at sa pagunlad ng bansa. matatawwag na ito new normal sapagkat ito ay naging kasanayan na...

Bakit nga ba kailangan natin mag suot ng face mask?

Image
Sa panahon ngayon tayo ay may pandemya na tinatawag na Covid 19. Ito ay isang virus na kumakalat sa ating lugar ito ay nakakaapekto sa ating respiratory system lalo na sa ating baga maaari din itong mag resulta ng pneumonia. Maaring maging simtomas nito ay ang pag ubo, pagkakaroon ng lagnat,kawalan ng panlasa at kapag ikaw ay nahihirapan sa paghinga . Nagsimula ito sa Wuhan China tawag pa dito noon ay SARS-CoV-  hanggang sa tinawag na ito na Covid 19 ang “CO” sa covid ay nangangahulugang corona. Ang “VI” naman ay virus, at ang “D”ay disease. Bakit nga ba natin ito nakukuha? Maraming paraan kung paano natin ito makukuha kapag ang taong may virus ay walang suot na mask at ito ay umubo o ito ay bumahing. At kayo ay maaaring nadapuan ng patak ng mga ito. At maaari kayo ay mag ka virus kapag hinawakan niyo ang isang bagay na nagkaroon o nadapuan ng virus at ito ay iyong nahawakan pag katas ay iyong hinawak sa iyong mata o ilong o kahit anong maaring mapasukan ng virus. Ang pinaka ta...

Kapag May Itiinanim, May Aanihin

  Kapaligirang puno ng mga makukulay na berdeng dahon, puno ng mga masusustansyang tanim. Hindi na kailangang lumabas upang bilihin ang mga ito, halina't magtanim sa ating bakuran ng sa gayon tayo ay may aanihin. Malaking tulong din ito sa ating pinansyal sapagkat ito ay ating pwedeng gawing negosyo o kabuhayan. Bukod sa nagbibigay na ito ng sustansya sa ating katawan, nagbibigay din ito ng ehersisyo sa atin habang isinasagawa ang pagtatanim. Isama ang inyong pamilya sa gawaing ito tiyak na makakapag bigay saya ito sainyo. Mas ligtas sa panahon ngayon ang manatili sa ating tahanan dahil hindi pa tapos ang ating laban sa pandemya, marapat na ating pangalagaan ang ating kalusugan sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansyang pagkain. Tayo'y magsimula na muli sa ating bagong mundo, gawin ang tama at ihinto na ang mga maling gawain. Tayo'y sama samang magtanim ng mga gulay sa ating mga bakuran at tiyak na sa huli tayo ay ligtas kasama ang ating pamilya Marquez, Ruel Ange...

NO TO DEATH PENALTY

Ang Death Penalty sa Pilipinas. Sa sitwasyong ngayon sa ating bansa nakakatulong nga pa ito? Ito rin ba ay wasto kung sakaling ipapatupad muli? Ito ba ay nakakatulong sa pagbawas ng kriminalidad sa ating bansa? Maraming presidente sa ating bansa ang nagpapatupad at umalma ukol dito, At ito ay muling nabuhay nung na halal ang bagong president na si Pres. Rodrigo Roa Duterte, maraming naging usap usapan ukol dito ngunit umalma ang ibang kasapi ng gobyerno at ito ay hindi naaprubahan. Para sakin nararapat lamang na hindi magkaroon ng Death Penalty sa ating bansa dahil tayo ay mga kristiano at ito y kasalanan. Dahil ang parusang kamatayan ay isa lamang isyung humahati sa paniniwala ng tao. Mabigat ang parusang kamatayan kaya dapat ito ay pinag uusapan ng mabuti at dumadaan sa maraming pagpupulong, sapagkat sakin ito ay mali dahil kailanman wala tayong karapatang kumitil o tumapos ng buhay ng iba na maaari naman nilang pagbayaran sa loob ng selda. Nararapat lamang na bigyan natin sila ng pa...

MODYULE

Nagyong pandemya, maraming nakompromisong mga bagay bagay na madalas or nakasanayan na nateng gawin, isa na dun ang traditional na pag-aaral o tinatawag sa ingles na “Face to face”. Ngunit sa panahong ito ay hindi na muna naten pwedeng gawin. Kaya ang kagawaran ng Edukasyon at nag-isip ng alternatibong pwede gawin para magpatuloy pa rin sa learning ang mga bata. Isa sa mga naisip nila ay ang Modyular na kung saan magsasagot ang mga bata sa mga naimprentang papel na naglalaman ng mag assessment at takdang aralin. Tinatawag din “self-learning” ang modyular dahil pwede din itong sagutan ng bata na siya lang ang magsasagot o sariling sikap o pwede din gawin sa tulong at gabay ng mga magulang.   Ayon sa DepEd, ang kawalan ng gadgets ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga pamilya ang pinili ang modular distance learning.Base sa survey, nasa 6 milyon ang walang internet access, at nasa 2 milyon din ang walang laptop, gadget, TV o radio.Sa pinakahuling resulta ng Learner Enrollment...

NAITUTULONG NG ONLINE SHOPPING SA MGA PILIPINO SA KASAGSAGAN NG PANDEMYA

Image
      Noong Marso naitala nga ang nakahahawang sakit na COVID-19 sa Pilipinas, ginulantang nito maging ang buong mundo sa pagdami at pagkalat ng kaso ng mga nagpositibo. Sa tuluyang pagdami ng kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 nag anunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Kagawaran ng Kalusugan na ipatupad ang Enhanced Community Qurantine o Lockdown sa buong Pilipinas upang maiwasan at malimitahan ang pagdami ng kaso sa naturang sakit. Nang ipatupad ang Lockdown , malaki ang naging epekto nito sa mga mamimili dahil limitado lang ang mga establisyementong nakabukas at isa lang sa bawat miyembro ng pamilya ang may Quarantine Pass at maaring lumabas at ito’y pinapayagan lamang kung talagang kailangan. Ang nakasanayan nga nating pamimili noong hindi pa lumalaganap ang Covid-19 ay ang pagpunta mismo sa mga establisyemento at palengke, ngunit ang online shopping ay isa sa mga napakagandang imbensyon na nakakatulong sa mga tao na bumili ng mga bagay sa sarili nilang mga ...

COVID-19 SAFETY PROTOCOL

Image
  Ang CoronaVirus disease o kilala sa tawag na Covid 19 ay isang sakit na tinatawag ng mga Doctor na Respiratory tract infection.     Ang sakit na ito ay magdudulot ng impeksiyon sa iyong upper Respiratory Tract (Ilong,Baga,at sinuses)at sa iyong lower respiratory tract.(Lalamunan at baga).ang coronavirus ay kasama sa uri ng mga viruses na nagdudulot ng mga sintomas katulad ng ordinaryong lagnat. ‘’COVID-19 cases sa Pilipinas tuloy sa paglobo’’ halos 480,000 na at ang mga namatay. nasa 10,000 katao sa Ngayon ay patuloy pang dumadami ang mga    nahahawaan   Dahil sa hindi pagsunod nila sa social distancing at pagsuot ng Facemask.    Kaya Nagsagawa ang DOH nang tugon upang maiwasan ang pagkalat ng virus na ito. Upang maiwasan ito tayo ay sumunod sa  kanilang sasabihin       Tayo daw ay Magsuot ng Facemask at face shield  iwasan din ang pag labas ng bahay o pagpunta sa matataong lugar. Kung nanggaling ka sa labas...

Ang panandaliang pagkakayod

Image
         Sa  panahon ngayon maraming mga taong ang mga nahihirapan sa buhay, Hindi makakain, Hindi alam kung saan kukuha ng pangkain sa pamilya. Alam natin na marami ang nahihirapan sa ating bansa lalo na at hindi nababawasan ang mga kaso dito sa Pilipinas. Lalo pa tayong bumababa sa mga ginagawa ng mga Gobyerno saatin nangongorap sila, At matindi pa ay nananakit sila ng kapwa pilipino. Hindi na mawawala dito ang pag patay ng isang Pulis ng mag ina, ang sakit sa pakiramdam na mga kababayan natin at bayani ang mismong gumagawa ng ikapapahamak nating lahat. Nagkaroon man ng mga trabaho ang mga ibang tao pero nahihirapan parin sila dahil umiiwas sila sa sakit hindi nila alam kung papaano gagalaw sa kanilang kapaligiran. Mayroon din na ginawang mga batas ng mga Gobyerno upang hindi mahirapan ang ating mga frontliners at iba pang essential workers, maari silang magpaalam kapag sila ay may nararamdamang masama sa kanilang kayawan, kapag naman sila ay nag ka covid...

Bakit Kailangang Dagdagan ang Oras ng Almusal ng mga Estudyante sa Paaralan

  Magandang  umaga , mga kapwa kamag-aral. Naririto ako sa inyong  harap sa ngalan ng  Konseho Ng Mag-aaral upang  ipaalam at hikayatin kayo na pirmahan ang  isang petisyon. Narinig namin ang  inyong mga saloobin patungkol sa kakulangan ng  oras sa pagkain ng almusal o break time sa umaga. Upang  mas  maintindihan ay narito ang  isang sitwasyon na naranasan mismo  ng  bawat-isa sa atin. Oras na upang   kumain ng almusal dahil natapos   na ang unang   klase mo sa umaga. Nagpunta ka sa inyong kusina upang   magluto ng inyong kakainin. Matapos   mong   makapag handa ng almusal ay nakita mong tatlong   minuto na lamang   ang   natitira sa oras ay   magsisimula na ang   inyong susunod na klase. Dahil doon ay napagdesisyunan mong   bilisan na lamang   ang   pagkain   upang   makapasok sa klase sa tamang   oras. Naranasan mo na ito, tama? An...

COVID VACCINE PARA NGABA SA IKABUBUTI NG MAMAMAYAN?

Image
Pagkatapos ng maraming mga buwan at lumagpas na ng 500,000 cases sa bansa ay nakakuha na ang Gobyerno ng Covid 19 Vaccine at maari na itong ipamahagi sa ating mamayan.Ngunit nakakasigurado ba ang mga mamayan ng Bansa na ligtas at epektibo ba ang gagamitin na Vaccine sa Bansa?at ang tanong ng iba dapat ba na tayo ay kumuha o magpaturok ng Vaccine kung tumagal tayo ng ilan buwan at umabot ng isang taon na hindi naman nagkakasakit o dinadapuan ng covid ang pinaka malaking tanong ng ilan ikabubuti ng mamayan ang pagpapaturok ng vaccine o pera pera nalang ang usapan ? umabot tayo ng isang taon ng hindi nagkakasakit dapat ngabang magpaturok ng vaccine upang makaiwas o dapat ang hanapin ng mundo ay ang lunas sa covid 19 Dahil sa naganap nuong termino ni dating Pangulo Benigno  Aquino na pagpapaturok sa ilan ng dengvaxia nangilag atnagdadalawang isip ang mamayan kung dapat ba silang magpaturok.                           ...

Capitkal Punishment

Image
  o mas kilala sa tawag na Death penalty, Hustisya para sa mga makasalanan sa araw-araw nating pamumuhay maraming krimen ang nagaganap sa ating paligid kabilang na dito ang pag labag sa karapatang pang   tao, na ating nasasaksihat sa mga balita sa telibisyon.  “Hustisya ang sigaw ng karamihang nakaranas ng pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay, masakit sa damdamin ng isang magulang ang mawalan ng mahal sa buhay at handing gawin ng isang magulang ang lahat upang makamit lamang ang hustisya para sa kanyang minamahal, ngunit kaylangan bang humantong tayo sa puntong hustisyang buhay para sa buhay? Alam kong ang sakit ng mawalan ng mahal sa buhay, lalot na ang sanhi ng pagkamaty ay krimen nanaisin nito ang kabayarang ginawa sa pag paslang ay hustisyang pag patay din o ang death penalty, dahil sa kinkimkim nitong galit nito sa gumawa nitong pag kitil sa buhay ng iba ngunit para sakin ang death penalty   ay   hindi makatarungang parusa sapagkat hayaaan natin ang batas ...

Kasal O Sakal: Pagsasabatas at Pagpapaigting ng legal na diborsyo sa Pilipinas

Image
  Kuhang Larawan mula sa RMN Networks “Ang dalawang pinagtali ng matrimonya ng kasal ay hindi nararapat paghiwalayin ng sinuman.” Ito ang kasabihan at paniniwalang madalas na isaalang-alang at iniisip ng marami kaya ang bawat isa ay natatali at pinagsisikapang mapa-unlad ang pagsasama ngunit sa ika 17 ng Setyembre muli nanamang isinulong ang dissolution o divorce upang bigyang wakas ang paghihirap o pagtitiis umano ng marami sa pagkakatali sa matrimonya ng kasal. Sa halip na hikayatin ng batas ang mag-asawa na pagsikapang mabuo ang nasisirang pamilya ay tila yata inuudyukan pa nito na tapusin agad ang kaunting alitan o di pagkakaunawaan. Isa pa mayroon namang legal separation ayon kay Tagbiliran Bishop Leonardo Medroso kaya hindi na kailangan pang magkaroon ng divorce na maaaring gamiting panakot ng bawat nagpakasal sa isa’t isa sakaling sila’y malagay sa sigalot.                                 ...

Bakuna ay gamot wag kang matakot!

Image
 G amot sa Covid na nandito na sating bansa bat may mga taong ayaw mag pabakuna natakot na sa isang iglap buhay nila ang nawala, maraming bali-balitasa katabing bansa huwag kang maniwala kung iniisip mo ito naba ang gamot o ang papatay sayo maraming tao na ang sumubok maraming buhay na ang nailigtas ng Doctor, Nurse at Frontliner na ang nagpabakuna para ipaalam na ito ay gamot huwag kang matakot ikaw uunahin mop aba ang pagdududa kung buhay mo ay nasa   panganib na di masama ang mga isip kung ito ba ay tama pero huwag kang mag pabulag bagkus maging isa ka sa ligtas at sumusunod sa nakakataas. Maghikayat ng maraming buhay ang mailigtas.    Pananatiling pagkakaroon ng Covid 19 vaccine ay nakakatulong sa mga pasyente at sa pagdami ng gamot maaaring mapabilis ang paggaling ng ibang pasyente. Bukod sa Covid 19 vaccine ay mayroong tinatawag na Swab Test upang tingnan ang kalagayan ng pasyente kung positibo ba sa covid 19 mas nakakatulong ito para mapadali  ang pag ii...

Pag-aaral pamamagitan ng online class:Mga Estudyanteng nahihirapan sa online class

                     Nang dahil sa Corona Virus o mas kilala bilang COVID ay nagkalat sa buong Pilipinas, at sa kadahilanan ng virus ay ni lockdown ang mga lugar sa Pilipinas na aapektuhan ng Covid, at na quarantine ang mga mamamayan. At dito naisipan ng awtoridad o ng DepEd ang pagsagawa ng ONLINE CLASS. Ang Online Class ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit ng internet, at ang mga estudyante ay di kinakailangan lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at kamag-aral.          Ang maganda sa online class ay hindi na kailangan lumabas pa ng mga mag-aaral parapumunta sa kanikanilang mga paaralan, samakatawid, mas sigurado na ang kaligtasan ng mga bata o estudyante para maka-iwas sa covid, at maiwasan ang pakikisalamuha sa iba pang mga tao. Subalit may mga estudyante nahihirapan sa ...